Itong awiting ito Ay alay sayo Sintunado man tong Mga pangako sayo Ang gusto ko lamang Makasama kang tumanda
Patatawanin kita Pag hindi ka masaya Bubuhatin kita Pag nirayuma ka na O kay sarap isipin Kasama kang tumanda
Ibibili ng balot Pag mahina na tuhod Ikukuha ng gamot Pag sumakit ang likod O kay sarap isipin Kasama kang tumanda
Sasamahan kahit kailanman Mahigit kumulang di mabilang Tatlumpung araw sa isang buwan Umabot man tayo sa three thousand one Sasamahan kahit kailanman Mahigit kumulang di mabilang Tatlumpung araw sa isang buwan Umabot man tayo sa three thousand one
Loves na love parin kita Kahit bungi bungi ka na Para akin ikaw parin Ang pinagwapong papa O kay sarap isipin Kasama kang tumanda
At nangangako sayo Pag sinagot mong oo Iaalay sayo buong puso ko Sumangayon ka lamang Kasama kang tumanda