Labis ako'y nahuhumaling Sabik sa bawat sandaling Ika'y makapiling
Giliw, hayaang lumapit Huwag mo sanang ipagkait Malas ang langit
CHORUS Anong nadarama Tuwing makikita kang dumarating Tuliro, 'di malaman ang gagawin at Walang sinumang makapipigil sa akin At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo (hay)
Wari, 'di ko na malimot Mga galaw at kilos mo Sa aking pagtulog
At sa panaginip, ika'y mamalagi At 'di na muling malulumbay Sa aking paggising
CHORUS Anong nadarama Tuwing makikita kang dumarating Tuliro, 'di malaman ang gagawin at Walang sinumang makapipigil sa akin At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo
Anong nadarama
AD LIB
CHORUS Pa'nong nadarama Gayong sa isip ko'y hindi ka maalis Tuliro, 'di malaman ang gagawin at Walang sinumang makapipigil sa akin At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo
Anong nadarama Ngayon at nandirito ka sa aking tabi Tuliro, 'di malaman ang gagawin at Walang sinumang makapipigil sa akin At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo