Sa 'yo Lamang Sa bawat araw na nilikha Nagtatanong ba't di makita Ang magpupuno ng ligaya Kapiling tuwing nag-iisa Sa tuwing lungkot ay magbabanta
Di akalain na ako'y mahalin Di napansin ng ako'y iyong sagipin Ng pag-ibig mong tunay Nawalay ang lumbay Ngayong kapiling ka sa buhay
[chorus] Sayo lamang panatag ang loob Sayo lamang umibig ng lubusan Panalangin, ito'y panghabang-buhay Pagkat sa piling mo Ramdam ng puso ko Sayo lamang ang buhay ko'y buo
Di akalain na ako'y mahalin Di napansin ng ako'y iyong sagipin Ng pag-ibig mong tunay Nawalay ang lumbay Ngayong kapiling ka sa buhay
[chorus]
Di ko hinanap Dumating ang siyang pangarap Wag ng mawalay pa Tadhanang kay ganda
[chorus]
Pagkat sa piling mo Ramdam ng puso ko Sayo lamang ang buhay ko'y buo